Sino Sino Ang Mga Tauhan Sa Elfilibusterismo Kabanata 24

Sino sino ang mga tauhan sa elfilibusterismo kabanata 24

Ang mga tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 24 ay sina JUanito, Isagani, Paulita Gomez at Donya Victorina. Nabanggit din dito ang alaherong si Simoun at si Don Tiburcio. Si Isagani ay ang kasintahan ni Paulita na nagselos dahil magkasama si Paulita at Juanito sa karuwahe. Si Paulita na kasintahan naman ni Isagani ay pamangkin ni Donya Victorina. Si Donya Victorina naman ang syang nililigawan talaga ni Juanito Pelaez.

Aral ng Kabanata 24

Isang aral na matututunan natin sa kabanatang ito ay ang pagseselos. Kadalasan nagseselos ang isang tao dahil sa insecure sila. Dapat ay maging sigurado tayo sa ating mga sarili at huwag masyado magselos. Natural lang naman na magselos minsan ngunit kung ito ay sobra na ay masama na din sa isang relasyon. Kagaya sa istorya ng kabanatang ito, hindi naman pala si Paulita ang gusto ni Juanito kundi si Donya Victorina. Dapat ay may bukas na komunikasyon din ang mga magsingirog upang maiwasan ang di pagkakaintindihan.  

Ang pagpapadala sa emosyon

Kadalasan din tayo ay nagpapadala sa emosyon natin, masaya man o malungkot. Kung masyadong masaya o malungkot meron tayong mga ginagawa na hindi akma. Kailangan natin na magingat tayo sa ating mga kilos at huwag magbitiw ng mga salita na nakakasakit lalo kung galit.

#LearnWithBrainly  

Para sa dagdag kaalaman:

Tagpuan / Setting: brainly.ph/question/1216327

Buod: brainly.ph/question/2099861


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Kahulugan Ng Duruan, Ano Ang Kahulugan Ng Mainam, Ano Ang Kahulugan Ng Namalas, Ano Ang Kahulugan Ng Tumambad, Ano Ang Kahulugan Ng Himpapawid

Tauhan At Tagpuan Ng Kabanata 18 Ng Noli Me Tangere

Paraan Ng Pananakop Sa Bansang Pilipinas