Anu Ano Ang Mga Simbolo O Sagisag Ng Kapayapaan?

Anu ano ang mga simbolo o sagisag ng kapayapaan?

Maraming maaaring maging simbolo o sagisag ng kapayapaan. Ngunit bago natin alamin ang mga ito ay marapat muna na malaman natin ang kahulugan ng simbolo o sagisag at ang ibig sabihin ng kapayapaan.

Ang simbolo o sagisag ay isang bagay na itinuturing na pananda upang ilarawan ang isa pang bagay o aspekto. Ito ang kumakatawan sa mas malalim na kahulugan ng mga bagay sa mundo. Para sa mga karagdagang kaalaman ukol sa halimbawa ng sagisag, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/378735

Ang kapayapaan naman ay ang pagkakaroon ng kapanatagan ng isip at kalooban. Ito ay isang kalagayan na madalas maihalintulad sa buhay sa langit na kung saan wala ng problema at karahasan.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng simbolo ng kapayapaan at kahulugan ng mga ito:

  • Puting kalapati - Ayon sa kwento ni Noah sa bibliya, pinalipad ang isang puting kalapati upang ipaalam sa lahat na tapos na ang malaking baha at hindi na kailanman mauulit muli.
  • Kulay puti - Ang kapayapaan ay madalas ring ikumpara sa kalinisan at kawagasan sa pamumuhay.
  • Kulay bughaw - Sa watawat ng Pilipinas, kapag nasa itaas ang kulay bughaw, ito ay nangangahulugan ng kapayapaan. Ito rin ang kulay ng kalangitan kapag maaliwalas ang panahon.

Para sa mga iba pang simbolo ng kapayapaan at kahulugan nito, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/488607

Kung nais ring malaman ang simbolo ng kalayaan, pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/493068


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Kahulugan Ng Duruan, Ano Ang Kahulugan Ng Mainam, Ano Ang Kahulugan Ng Namalas, Ano Ang Kahulugan Ng Tumambad, Ano Ang Kahulugan Ng Himpapawid

Paraan Ng Pananakop Sa Bansang Pilipinas

Tauhan At Tagpuan Ng Kabanata 18 Ng Noli Me Tangere