Saklaw At Limitasyon Ng Shifting Classes. Asap
Saklaw at limitasyon ng shifting classes. asap
Ang shifting classes ay dati nang ginagawa pero sa mga kolehiyo at post graduate calsses lamang. Pero ngayon ang elementary at high school level ay malawakan na ding ginagamit ang shifting. Ito ay dahil sa laki ng populasyon ng mga estudyante at sa liit ng mga pasilidad o ng bilang ng mga guro.
Saklaw nito ang oras ng pagpasok ng mag estudyante, mga 5 hanggang 6 na oras kada araw. Pero magsisimula ng ika-6 na oras sa umaga at magtatapos ng ika-12 o ika-1 ng hapon. Ang pasimula naman ng ikalawang batch ay ika-11 o ika-12 ng tanghali hanggang ika-5 o ika-6 ng gabi.
Maging ang oras ng mga guro ay kailangang mas maging maaga ng pagsisimula at mas maging gabi na ang pag-uwi. Malaki ang epekto nito sa pagtuturo yamang mas magagamit ang pagod ng guro pero sa iisang araw lamang. Pero nakukuha ng paaralan na paglingkuran ng mga estudyante na pumapasok sa kanila.
Pero dahil ang araw-araw ng mga guro at estudyante ay nangangailangan ng lakas sa pisikal, emosyonal at mental, mas madali silang ma burn-out at mawalan ng sigasig sa paggawa. May ilan na gustong mairaos na lamang ang araw o linggo sa pagpasok pero wala ang mahusay na resulto o hindi produktibo. Apektado ang mismong kalidad na mga guro at estudyante.
Comments
Post a Comment