Ano po magandang plataporma para sa isang P.O officer ng SPG or SSG Ang halimbawa ng magandang plataporma sa isang paaralan ay depende rin sa kung anong suliranin ang hinaharap ng paaralan. Kailangang maging sagot ang isang plataporma sa mga hinaing ng mga mag-aaral dahil ang plataporma ang dadalhin mong pagbabago upang matugunan ang hindi magandang kasalukuyan. Halimbawa, kung sa iyong paaralan kulang ang mga kagamitan ng mga mag-aaral, gumawa ka ng plataporma na makakatulong na tugunan ito. Isang magandang solusyon dito ay ang pagkakaroon ng " fund raising " upang matustusan ang pangangailang ng mga mag-aaral. Related links: brainly.ph/question/2110075 brainly.ph/question/1364714 brainly.ph/question/2119776
Sino sino ang mga tauhan sa elfilibusterismo kabanata 24 Ang mga tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 24 ay sina JUanito, Isagani, Paulita Gomez at Donya Victorina . Nabanggit din dito ang alaherong si Simoun at si Don Tiburcio. Si Isagani ay ang kasintahan ni Paulita na nagselos dahil magkasama si Paulita at Juanito sa karuwahe. Si Paulita na kasintahan naman ni Isagani ay pamangkin ni Donya Victorina. Si Donya Victorina naman ang syang nililigawan talaga ni Juanito Pelaez. Aral ng Kabanata 24 Isang aral na matututunan natin sa kabanatang ito ay ang pagseselos. Kadalasan nagseselos ang isang tao dahil sa insecure sila. Dapat ay maging sigurado tayo sa ating mga sarili at huwag masyado magselos. Natural lang naman na magselos minsan ngunit kung ito ay sobra na ay masama na din sa isang relasyon. Kagaya sa istorya ng kabanatang ito, hindi naman pala si Paulita ang gusto ni Juanito kundi si Donya Victorina. Dapat ay may bukas na komunikasyon din ang mga magsingirog upang maiwa...
Halimbawa ng tula para sa pamilay kanlungan ang kahalagahan ng pamilyaPamagat: "Kanlungan" I. Paano ko nga ba makalilimutan Ang napakainit na bisig ng aking mga magulang Na siyang aking naging kanlungan magmula ng ako ay isinilang II. Tuwing ikinukwento ng aking mahal na ina Ang mga panahon na ako ay kanyang inaaruga Pawing ngiti lamang ang nakikita sa labi niya At maging sa kanyang mga mata III. Akin ding inaaalala kung paano ako alagaan ni ama. Na walang kasing higpit at bibihirang tumawa Tuwing ako'y umiiyak dahil sa mga kalaro Nandoon siya upang akoy' patawanin gamit ang kanyang mga biro. IV. Ngayon ako'y malaki na at ang aking magulang ay matatanda na, Ako naman ang magsisilbing kanlungan nila. Dahan-dahang susuklian ang mga kabutihan, At di magsasawang sila ay pagsilbihan. Ang tulang ito ay nagsasalamin sa kwento ng isang tao, magmula sa kanyang pagkabata...
Comments
Post a Comment